You are on page 1of 41

Asya

Timog-Silangang Asya
Brunei
Cambodia
Indonesia
Laos
Malaysia
Myanmar
Philippines
Singapore
Thailand
East Timor
Vietnam
PILIPINAS (PERLAS NG SILANGAN)
Sa loob ng mahigit tatlong daang taon ay napasailalim ng mga Español
ang Pilipinas.Nagtangka ang mga Pilipino na makamit ang kalayaan sa
kamay ng mga mananakop subalit silaay nabigo. Sa pagpasok ng ika - 19
na siglo,nagsimulang magpalawak ng kaniyang teritoryo sa Asya -
Pasipiko ang United States. Isa ang Pilipinas sa mga lupain na nais
nitong makontrol dahil sa istratehikong lokasyon nito. Angkop ang
lokasyon ngbansa sa kaniyang plano na sakupin ang iba pang bansa sa
Asya at sa pagkontrol sa kalakalan sa Asya-Pasipiko.
PILIPINAS
Noong una, tinulungan ng mga Amerikano ang mga rebolusyunaryong
Pilipino sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo na talunin ang mga
Espanyol.Natalo ang mga Español l at idineklara ni Aguinaldo ang
kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.
PILIPINAS
• Subalit, lingid sa kaalaman ng mga Pilipino ay nagkaroon ng lihim na
kasunduan ang mga Spain at United States. Batay sa kasunduan,
susuko ang Spain sa United States at isasalin sa huli ang karapatang
pamunuan ang Pilipinas.
PILIPINAS
• Samakatuwid, hindi pa din malaya ang Pilipinas dahil sila ay
mapapasailaim sa United States – ang bansa na kaniyang itinuring na
kaibigan. Pormal na naisalin sa kamay ng United States ang
pamumuno sa Pilipinas sa bisa ng Kasunduan sa Paris. Nilagdaan ito
ng mga kinatawan ng United States at Spain noong Disyembre 10,
1898
Sumiklab ang Digmaang Pilipino – Amerikano noong 1902 kung saan
ay natalo ng mas malakas na puwersang Amerikano ang mga Pilipino.
Itinatag ng mga Amerikano ang Pamahalaang Militar at nang lumaon
ay naging Pamahalaang Sibil na parehong pinamumunuan ng mga
Amerikano at Pilipino. Nagpatayo rin sila ng mga paaralan at ginawang
libre para sa lahat ang pag-aaral, ospital, kalsada, at mga gusaling
pampamahalaan.
• Sa kabilang banda, nagpalabas din sila ng mga batas na nagpipigil sa
pagpapamalas ng mga Pilipino ng damdaming Nasyonalismo. Sa
huling bahagi ng kanilang pamumuno, itinatag nila ang Pamahalaang
Commonwealth kung saan ay sinanay nila ang mga Pilipino sa
pagpapatakbo ng isang pamahalaang demokratiko. Bukod dito, nais
din ng mga Amerikano na manatili ang kanilang impluwensiya sa
pamahalaan ng Pilipinas upang maprotektahan ang kaniyang mga
interes sa bansa matapos niyang maipagkaloob ang kalayaan nito.
20 MILYONG DOLYAR
• Ibinayad ng United States sa Spain kapalit ng pagpapaunlad na ginawa
ng España sa Pilipinas.

THOMASITES
Tawag sa mga unang gurong Amerikano na
dumating sa Pilipinas lulan ng barkong S.S.Thomas
INDONESIA
(EAST INDIES)
INDONESIA
Patuloy na pinamahalaan ng Netherlands ang Indonesia. Ang mataas
na paghahangad ng mga taga-Europe sa mga pampalasa at produktong
agrikultural ang nagtulak sa mga Dutch na ipatupad ang culture system
o kilala rin sa tawag na cultivation system. Ang patakaran na ito ay
iminungkahi ni Johannes Van den Bosch.
Johannes Van
den Bosch
INDONESIA
• Sa ilalim ng patakarang ito, inatasan ng mga Dutch ang mga
magsasakang Indones na ilaan ang sanlimang (1/5) na bahagi ng
kaniyang lupain o 66 na araw para sa pagtatanim ng mga produktong
iniluluwas ng mga Dutch. Ilan sa mga ito ay asukal, kape at indigo.
INDONESIA
• Nang makita ng mga Dutch ang tagumpay ng culture system, sapilitan
na ring ipinatanim sa mga Indones ang iba pang produkto tulad ng
bulak,palms, tsaa, tabako, quinine at iba pang pampalasa. Dumanas
nang lubos na paghihirap ang mga Indones sa ilalim ng patakarang ito
dahil hindi na sila makapagtanim ng mga produkto para sa kanilang
sariling pangangailangan.
MALAYSIA AT
SINGAPORE
MALAYA AT SINGAPORE
Napasakamay ng mga British ang Singapore, na noon ay bahagi pa ng
Malaysia dahil naghahanap sila ng angkop na daungan para sa kanilang
mga barkong pangkalakalan mula India patungong China. Nakilala ang
Singapore bilang isa sa pinakamaganda at pinakamaunlad na daungan
sa Timog Silangang Asya. Kinontrol ng mga British ang Singapore at
kumita sila nang malaki mula sa pakikipagkalakalan sa mga karatig-
bansa at sa mga bansang Kanluranin.
MALAYA AT SINGAPORE
Sa kabilang banda, kilala naman ang Malaysia sa malawak na
plantasyon ng goma (rubber) at sa pagkakaroon ng malaking reserba ng
lata (tin). Naging pangunahing produktong panluwas ng Malaysia ang
goma at lata.
MALAYA AT SINGAPORE
Kumita nang malaki ang mga British dahil sa pagkontrol nila ng
pagluluwas ng mga nabanggit na produkto. Upang mas mapabilis pa
ang produksiyon, hinikayat ng mga British ang mga Tsino na
mandayuhan sa Malaysia upang maging mga manggagawa. Hindi
naglaon, mas dumami pa ang mga Tsino kaysa sa mga katutubong
Malay sa Malaysia.
MALAYA AT SINGAPORE
Ang pananakop ng mga British sa Malaysia ay nagdulot ng paghihirap at
ng kaguluhan sa pagitan ng mga nandayuhang Tsino at katutubong
Malay na hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin sa bansa.
RUBBER
Ito ay orihinal na matatagpuan sa South America. Dinala ng mga British
ang mga buto nito sa Malaysia upang pasimulan ang plantasyon ng
rubber tree sa rehiyon.

MELTING POT
Tawag sa lugar o rehiyon kung saan nagtatagpo ang
iba’t ibang mga kultura at pangkat-etniko. Ang populasyon
ng Malaysia ay binubuo ng mga katutubong Malay,
malaking bahagdan ng mga Tsino, Tamil, Pilipino, at mga
Nepalese.
BURMA
(NGAYON AY
MYANMAR)
BURMA (MYANMAR)
• Ang lokasyon ng Burma sa India, na sakop ng mga England ang
dahilan kung bakit sinakop din ito ng mga British. Mahalaga para sa
mga British ang Burma dahil ito ay magagamit niya upang mapigilan
ang mga magtatangkang sumakop sa silangang bahagi ng India na
noon ay kabilang sa mga sakop niyang lupain. Noong una ay may
maayos na ugnayan ang England at Burma. Subalit sa hindi
inaasahang pangyayari, sumiklab ang mga labanan sa pagitan ng mga
British at Burmese na tinawag na Digmaang Anglo-Burmese.
RESIDENT SYSTEM
Ang resident system ay isang patakaran na ipinatupad ng mga British sa
Burma. Ang British Resident ay kinatawan ng pamahalaan ng England
sa Burma. Bilang kinatawan, kailangang manirahan ang British Resident
sa Burma. Isa sa kaniyang tungkulin ay ang pakikipag-ugnayan sa mga
dayuhang bansa. Ibig sabihin, may karapatan siyang makipag-usap,
makipagkasundo, makipagkalakalan at magdesisyon sa mga usaping
panlabas ng Burma na dati ay gawain lamang ng Hari ng Burma.
Nabawasan ang kapangyarihan ng Hari at nawala sa kaniyang kamay
ang karapatan na magdesisyon kung kaninong dayuhan
makikipagkaibigan at makikipag-ugnayan.

You might also like