You are on page 1of 23

Mga Epekto ng Paggamit

ng Cellphone sa Paaralan
PAGHAHANDOG
Inihahandog namin ito sa mga Junior High School at Senior
High School sa paaralan ng Antipolo Immaculate Conception
School, maging sa mga guro na gumagamit ng teknolohiya sa
pagtuturo. At para na rin sa mga kabataang hindi makontrol ang
paggamit ng gadyet sa loob ng silid aralan. Ihihahandog rin
namin ang paksang ito upang malaman ng nakararami ang
mabubuti at di-mabubuting epekto nito sa edukasyon at sa ating
kalusugan.
PASASALAMAT
Nagpapasalamat kami sa mga pinagkuhanan namin ng mga
datos o impormasyon patungkol sa aming pananaliksik, pati na
rin sa bawat isa sa amin na nagtulong-tulong at sa mga magulang
namin na nagbigay inspirasyon. Kami rin ay nagpapasalamat sa
aming alagang aso na nagtatanggal stress upang maisagawa
naming ito nang maayos. Nagpapasalamat rin kami sa aming
guro na si Gng. Ruth Reyes na nagbigay sa amin ng tiwala upang
matapos namin ang aming pananaliksik sa nakatakdang oras.
Hight sa lahat, kami ay lubos na nagpapasalamat sa mga may-
akda ng mga impormasyong aming pinagkuhanan na sina Ms.
Jessica Soho, Mr. Christian Gome, Ms. Yarroh Gabrielle at kay Ms.
Malou Mangahas.
KABANATA 1
Panimula
Sa panahon ngayon ay maraming kabataan ang nahuhumaling sa
teknolohiya. Laganap na nga ang iba't-ibang halimbawa ng
gadyet tulad na lamang ng laptop, ipad, tablet, at ang pinaka
popular na nga ay ang cellphone. Ang mga estudyante sa Senior
High School sa Antipolo Immaculate Conception School ang mas
madalas na gumamit ng mga gadyet na nabanggit sapagkat ito'y
nakatutulong sa pang araw-araw nilang pamumuhay gayundin na
rin sa kanilang pag-aaral. Ang teknolohiya ay isa na ngayon sa
pinakamahalagang bagay na mayroon ang isang tao sa mundo.
Hindi lamang sa paaralan ng Antipolo Immaculate Conception
School ang may maraming bilang ng mga estudyante na
gumagamit ng gadyet sa silid aralan kundi ay marami rin itong
magagandang benipisyo sa buhay ng isang tao. Sa isyu na ito ay
matatalakay natin ang mabuti at di-mabubuting epekto ng
paggamit ng cellphone sa silid-aralan at maipapakita rin dito
kung talagang nakatutulong ba o hindi ang paggamit nito sa silid
aralan. Isa nang halimbawa sa pinaka-gamitin na gadyet ay ang
cellphone.
Kahulugan ng cellphone o cellular phone
 Ang cellphone o cellular phone ay isang uri ng teknolohiya at
elektrikal na kagamitan sa pakikipag-komunikasyon.

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey patungkol sa
paggamit ng cellphone sa loob ng silid aralan sa mga piling
estudyante ng Antipolo Immaculate Conception School. Ang mga
mananaliksik ay pumili ng dalawampung estudyante sa baitang
11 at 10. Siyam dito ay hindi gumagamit ng cellphone sa silid-
aralan habang may klase sa kadahilanang hindi nakakapag-pokus
ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral. At labing-isa naman ay
nag-sagot ng oo, gumagamit sila ng cellphone sa loob ng silid
impormasyon at mas kongkretong detalye na makatutulong sa
kanilang pag-aaral.
Gumagamit ka ba ng cellphone sa loob ng silid-aralan?

Cellphone

Hindi; 45.00%

Oo; 55.00%
 Sa dalawampung respondente ay may siyam na estudyante na
hindi gumagamit ng cellphone sa silid aralan at may labing-isa
naman ang gumagamit ng cellphone sa silid aralan.

Saan mas maraming makukuhang impormasyon?


12

10
10

8
8

2
2
1

0
Libro Internet 0 Iba pa 0
Hindi Oo
 Ang siyam na estudyante na gumagamit ng cellphone ay mas
maraming nakukuhang impormasyon sa internet. Gayundin sa
mga nagsagot ng oo, gumagamit sila ng cellphone sa loob ng
silid aralan.
Saan mas maraming makukuhang impormasyon?
12

10

6 Hindi
Oo

0
Cellphone Aklat Iba pa
 Para sa mga respondente ay mas marami silang nakukuhang
impormasyon sa cellphone sa pamamagitan ng paggamit ng
internet.
Sang-ayon ka ba sa pagdadala ng cellphone sa loob ng
paaralan? Cellphone

Hindi; 38.89%

Oo; 61.11%
 Kung makikita ay dikit ang mga nakuhang datos, sa mga
nagsagot ng oo, ang kadahilanang ito ay maaaring magamit
kung magkaroon ‘man ng emergency at sa mga nag-sagot
naman ng hindi ay dahilan nito na hindi sila mas nakakapag-
pokus sa kanilang pag-aaral.
KABANATA 2
 “Pagkakulong” sa Cellphone
 CELLPHONE BAWAL SA KLASE
KABANATA 3
 Disenyo at Paraan sa Pananaliksik
 Paraan ng Pananaliksik
 Mga Pokus ng Pag-aaral
 Mga Instrumentong Pananaliksik
 Tritment ng mga Datos
KABANATA 4
Mabuti at Di-mabuting Epekto ng Cellphone sa mga
Estudyante
Mabuting Epekto:
 pinakamabuting epekto ng paggamit ng teknolohiya sa mga
estudyante ay nakakapadali ito sa pagsasaliksik at pagkatuto
(36%)
 maraming impormasyon ang maaaring makuha (22%)
 nakatutulong ito sa pakikipagkomunikasyon sa mga kaklase at
guro. Sa pamamagitan ng cellphone at social media ay
nakakatipid sa oras, na may parehong bahagdan (10%)
 nagiging mulat ang mga mag-aaral sa mga bagong
impormasyong nagaganap sa mundo, mas nagiging malikhain,
at mas maiintindihan ang mga guro sa pamamagitan ng video at
powerpoint sa pamamagitan ng projector (4%)

Di-mabuting epekto:
 nagiging tamad (26%)
 nagiging distraksyon na nagreresulta ng kapabayaan sa pag–
aaral (16%)
 pagkakalulong sa mga gadyet o ang pagdudulot nito ng
adiksyon (14%)
 umaasa na lamang ang mga estudyante sa mga gadyet (12%)
 nakasisira sa kalusugan ang madalas na paggamit ng mga
teknolohiyang ito dahil sa pagkakababad sa radiation (8%)
 hindi paggamit ng libro at hindi nagiging aktibo sa mga pisikal
na gawain (6%)
 kawalan ng sigla ng mga mag-aaral, hindi paggamit nang tama
(pang–aabuso, panonood ng pornograpiya), at maaaring hindi
reliable ang mga sanggunian (4%)
KONKLUSYON
 Ang mga tumugon ay kailangang disiplinahin ang kanilang mga
sarili sa paggamit sa cellphone o sa kung ano ‘mang gadyet.
 Sa panahon ngayon na may internet na, mayroon pa ring
gumagamit ng libro sa paghahanap ng mga impormasyon at ito ay
nakakatuwang isipin dahil hindi sila umaasa sa paggamit ng
cellphone lamang.
 Para sa aming mananaliksik ay maganda rin para sa isang
kabataan na magdala ng gadyet sa paaralan ngunit kailangan
nating disiplinahin ang ating mga sarili at gamitin lamang ang
mga ito kung sakaling pinahihintulutan ng guro.
REKOMENDASYON
Ang aming grupo ay nagrerekomenda ng pananaliksik na ito
sa mga estudyanteng may maling pananaw ukol sa paggamit ng
cellphone habang may klase, Nirerekomenda rin ito sa mga titser
na hindi pa gaano alam ang mga dahilan ng mga estudyante kung
bakit sila patuloy na gumagamit pa rin ng cellphone habang may
klase. Ito rin ay nagbibigay ng impormasyon patungkol sa
tamang paggamit ng cellphone sa oras ng klase.
TALASALITAAN
 GADYET - Ang gadgets ay mga bagay na gumagana sa
pamamagitan ng elektroniks. May mga gadget na maliit at
meron din namang malaki. Ito ay parte ng teknolohiya na
talagang magagamit at tinatangkilik lalo na sa makabagong
panahon. Ginagamit din ito na pang edukasyon lalo na ng
kabataan.
 RADIATION - Sa larangan ng pisika, ang radiyasyon o diglap ay
isang proseso kung saan ang mga partikulong may lakas o mga
along masisigla ay naglalakbay na lumalagos sa isang bakyum.
Sinasabing ang radiyasyon ay nakakapagdulot upang bumaba
ang resistensya ng ating katawan na makakapagdulot ng
sobrang stress at kapag lumala ay nagtutuloy sa kanser.
 SOCIAL MEDIA - Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng
pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha,
nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya
sa isang virtual na komunidad at mga network.
 INTERNET- Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga
computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong
mundo. Naipápadala ang mga datos sa pamamagitan ng packet
switching na gámit ang inayunang pamantayan na Internet
Protocol (IP)
TALASALITAAN/REPERENSIYA
 Soho, JS. (May 29, 2009 6:00pm). Cellphone bawal sa klase – DepEd. May 29, 2009, URL:
http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/163431/cell-phone-bawal-sa-
klase-deped/story/
 Gomex, CG. (February 8, 2003) “Pagkalulong” sa Cellphone (pg21.) February 8, 2003,
URL: https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102003008
 Anonymous, (October 3, 2010)” Teknolohiya”. October 3,2010, URL:
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Teknolohiya
 Yarroh, YG. (January 2, 2017). “Ano ang kahulugan ng cellphone?” January 2, 2017. URL:
https://brainly.ph/question/868911
 Malou, MM. (June 26, 2013). “Message Sent”. June 26, 2013, URL:
 https://www.facebook.com/investigativedocumentaries/

 https://brainly.ph/question/985378

 https://tl.wikipedia.org/wiki/Radiyasyon

 https://www.scribd.com/document/338636749/Ano-Ang-Social-Media
Iprinisinta nina:
 Nicole Sapalicio
 Reychan Arriesgado
 CJ Angeles
 Aira Cortez

You might also like