You are on page 1of 8

MGA

ELEMENTO
NG RETORIKA
IMBENSYON
PAGSASAAYOS
ESTILO
MEMORYA
PAGHAHATID
 Imbensyon
Ito ay tumutukoy sa malinaw na proseso ng
paghahanap ng mga argumento na magagamit
para sa isang talumpati na maaaring sa paraang
induktibo o deduktibo.
 Ang Induktibo ay ang pagbuo ng pangkalahatang
kongklusyon mula sa partikular na linya ng
pangangatwiran.
 Ang Deduktibo ay tumutukoy sa pangangatwiran
o mga impormal na anekdota.
 Pagsasaayos
Ito ay ang proseso ng pag-oorganisa sa talumpati
gayundin sa pagsasaayos o pagbabalangkas sa mga
sumusunod:
I. Introduksyon o Panimula
II. Narasyon o Paglalahad ng mahalagang punto tungkol sa
isang isyu.
III. Paghahain ng mga patunay sa kasong tinatalakay.
IV. Ang pagpapabulaan o tunggalian ng mga katuwiran.
V. Kongklusyon na tumutukoy sa nabuong hinuha matapos
mailahad ang isang talumpati.
 Estilo
Ito ay ang proseso ng masining na
pagsasatitik ng mga nadiskubre o naihanay
na kaisipan o ebidensya. Nauukol ito sa
masining na pagpili ng mga salita, pagbuo
ng istruktura ng mga pangungusap,
paggamit ng tayutay na nakadaragdag sa
kabisaan at kagandahan ng pagpapahayag.
 Memorya
Ito ay tumutukoy sa bahagi ng
isinasaulo ang isang talumpati o mga
mahalagang punto ng isang talumpati
upang maging maayos ang pagbigkas
nito sa harap ng publiko.
 Paghahatid
Tumutukoy sa aktuwal na
deliberasyon o pagbigkas kung saan
kinokontrol ang modyulasyon ng tinig
gayundin ang paglalapat ng mga angkop
na kumpas sa isang talumpati upang higit
itong maging mabisa.

You might also like