You are on page 1of 12

ISKOLARLING PAGKIKRITIK NG

SINURING PELIKULANG PILIPINO


LIMANG BAHAGI NG PAGKIKRITIK NG PELIKULA

UNANG PAHINA
UNANG PAHINA
Pamagat
Poster
Pangunahing tauhan
Quote mula sa tauhan (lagyan ng
pangalan kung sino nagsabi) - opsyonal
LIMANG BAHAGI NG PAGKIKRITIK NG PELIKULA

IKALAWANG PAHINA
• Unang Talata: PAGBUBUKAS: KUHANIN ANG ATENSYON NG MAMBABASA
Isipin kung paano i-na-advertise ng mga producer ang kanilang palabas: SA PAMAMAGITAN NG TRAILER

Gumawa ng sariling trailer. Kung nagustuhan ang palabas, ipakita sa pagbuo ng isang magandang panimula. Kung hindi
nagustuhan, ipakita rin sa isang panimula. Hindi kinakailangang ipaliwanag kung bakit nagustuhan o hindi mo
nagustuhan. Ipakita ito sa pamamagitan ng isang paglalarawan.
Mga ideya:
1. Magsimula ng iyong rebyu sa isang pangyayari na sa tingin mo ay makukuha ang atensyon ng mambabasa. Ito ay
kuhanin mula sa palabas na pinanood.

II. Magsimula ng iyong rebyu sa isa pang kuwento o isang interesting facts tungkol sa isang bida, o kung paano
ginawa/binuo ang palabas, o tungkol sa direktor.
LIMANG BAHAGI NG PAGKIKRITIK NG PELIKULA

IKALAWANG PAHINA
• Ikalawang Talata: NALALAPIT NA PAGSISIMULA NG REBYU
Kinakailangang ilagay ang mga impormasyong dapat malaman ng
mga mambabasa: pamagat, petsa ng pagpapalabas, haba ng
pelikula, direktor, kategorya, panulat ni, tagapamahagi, bansa,
wikang ginamit, at rating
Ipaalam ang paksa ng pelikula, hindi kinakailangang ilahad ang
nangyari, ngunit ito ay maaari kung masasabi lamang ito sa isa o
dalawang pangungusap lamang.
LIMANG BAHAGI NG PAGKIKRITIK NG PELIKULA

IKATLONG PAHINA
• Ikatlong Talata: MGA TAUHAN at Balangkas ng Buod
Ano ang nangyari sa palabas? Hindi pa dapat sabihin ang lahat ng naganap
sa pelikula lalong – lalo na ang katapusan. Ibahagi lamang ang mahalagang
nangyari, mas detalyado sa ginawa mo sa ikalawang talata.
Tip:
Isa sa mga maaaring gawin sa bahaging ito, magsulat ng isang pangungusap sa bawat
pangunahing tauhan.
LIMANG BAHAGI NG PAGKIKRITIK NG PELIKULA

IKATLONG PAHINA
Ikaapat na Talata: KEY MOMENT O IDEYA
Dito, idedetalye ang mga mahahalagang nangyari na nakapukaw ng
atensyon tungkol sa palabas. Kung ito ay musical, ilahad ang tungkol sa mga
kanta o kung ang soundtrack ay maganda. O sumulat pa ng isang karakter na
nakakaintriga. O ilahad ang isa pang matinding pangyayari at ipaliwanag kung
bakit ito mahalaga. kung sa tingin mo ay mahalaga talaga ang pangyayaring
ito, ipaliwanag at talakayin nang bahagya. Sa talatang ito, dapat ay mailahad na
ang kaibuturan o lalim ng pelikula.
LIMANG BAHAGI NG PAGKIKRITIK NG PELIKULA

IKAAPAT NA PAHINA
Ikalimang na Talata: SURIIN ANG PELIKULA
irerekomenda mo ba o hindi ? Magugustuhan ba ito ng mga
matanda o ng mga bata? Ang pinakamahalagang bahagi rito ay dapat
ipaliwanag kung bakit nagbibigay ng rekomendasyon. Dapat
mapatunayan ang opinyon at ang opinyon na ibibigay ay sumasalamin sa
mga naunang talata. Magbigay kahit man lang dalawang dahilan kung
bakit nagustuhan o bakit di nagustuhan.
GABAY SA GAGAWING PAGKIKRITIK
1. Guro ang magtatala kung sino – sinong mga mag –
aaral ang magsasama – sama sa gagawing rebyu.
2. Sundin ang rubrik http://www.twyman-
whitney.com/film/review_rubric.html
3. Pasahan Hulyo 17, 2018 – Pagsulat time
MGA SUSURIING PELIKULA
Pangkat I – Anak (2000) – 1:59:31
https://drive.google.com/open?id=1NwC9vr21I9LWnRhKuUZNYmckkunhbPJ3
Pangkat II – Ganito Kami noon Paano kayo ngayon (1976) -2:16:34
https://drive.google.com/open?id=1zRRWrn9oup794uSaaIcMWsPGbIjo5VqO
Pangkat III – Ilo Ilo (2013) – 1:39:48
https://drive.google.com/open?id=1bknmKHIoEMfSZqBneX4X_Mjx4GwRiHPz
Pangkat IV – Patikul (2011) -1:55:29
https://drive.google.com/open?id=1bknmKHIoEMfSZqBneX4X_Mjx4GwRiHPz
Pangkat V – Tatlong Ina, Isang Anak (1987) -1:54:14
https://drive.google.com/open?id=1sJV_kBk4lwufvYlhiOkkDBo550-8W1c6
PINAL NA GAWAIN SA PAGSULAT SA PILING
LARANG AKADEMIK – UNANG MARKAHAN
• Gumawa ng isang maikling palabas na tumatalakay sa iba’t ibang
isyung panlipunan na kinahaharap ng iyong kapwa Pilipino.
• Ang maikling palabas ay mayroong haba na 10 minuto at hindi na
lalampas pa sa 12 minuto. Hindi pa rito kasama ang credits sa mga
lumikha nito. Maaaring maglaan ng segundo sa bahaging ito.
• Magpakonsulta muna sa guro sa magiging paksa upang hindi
magkakaroon ng pagkapare – parehas ang bawat pangkat.
PINAL NA GAWAIN SA PAGSULAT SA PILING
LARANG AKADEMIK – UNANG MARKAHAN

• Inaasahan ang inyong pinal na gawain ay maipasa bago ang


Agosto 3, 2018 o sa mismong araw sa oras ng klase.
• Ang bawat tagapanguna ng pangkat ay kinakailangang pagsama –
samahin ang nagawa sa iisang Flash drive.
• Sundin ang gabay para sa paglalagay ng pangalan ng inyong bidyo:
paksa_pangkat
PINAL NA GAWAIN SA PAGSULAT SA PILING
LARANG AKADEMIK – UNANG MARKAHAN

• Papel – Pagsusuri
• Magpapasa ang bawat pangkat ng isang pagsusuri batay sa
ginawang palabas.
• Sundin ang pormat na ibinigay ng guro.
• Ang pagpasa nito ay kasabay sa pagpasa ng bidyo.
• I – pi – print ang pagsusuring ito.

You might also like