You are on page 1of 3

MGA EKSPRESYONG

NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD
Posibilidad ang tawag sa mga
pahayag na maaaring
magkatotoo subalit hindi pa
matiyak o masigurado o may
pag-aagam-agam pa tayo.
Baka Puwede kaya ang
Maaari Siguro
Marahil Sa palagay ko
May posibilidad bang tila
Posible kayang
Halimbawa:
Lianne: Posible kayang magkaroon ng snow sa
Pilipinas?
Dona: Hindi posible yan kasi kabilang ang bansa
natin sa may klimang tropikal kaya dalawang uri ng
klima lang ang nararanasan natin, ang tag-ulan at
tag-araw.
Sagutin ang mga ss. gamit ang mga salita o
ekspresyong naghahayag ng posibilidad.
1. Saan kaya mag-aaral pagdating mo sa kolehiyo?
2. Anong kurso kaya ang kukunin mo?
3. Saan ka kaya magtatrabaho kapag nakatapos ka
na?
4. Mangingibang bansa ka kaya para doon na
magtrabaho at tumira?
5. Paano ka kaya makatutulong sa pagpapabuti ng
iyong pamayanan?

You might also like