You are on page 1of 9

Mga Lugar na Sensitibo sa

Panganib Batay sa Lokasyon


at Topograpiya

Jadee I. Castro
Famy-Mabitac District
Layunin:
1. Nakapagtukoy ang mga lugar na sensitibo sa
panganib sa sariling lalawigan at rehiyon gamit
ang hazard map;
2. Nakagagawa ng mga hakbang ng pagtugon
bilang paghahanda sa mga posibling sakuna sa
sariling lalawigan at rehiyon
Ano ang ipinapahayag ng mga nasa larawan?

Kalamidad
Itanong:
1. Alin sa mga kalamidad ang inyong
naranasan na?
2. May kaugnayan ba ang mga kalamidad
lokasyon at topograpiya ng lalawigan o
rehiyon?
3. Aling Anyong lupa o Anyong Tubig ang
maiuugnay sa bawat kalamidad?
Bagyong Ondoy Nanalanta sa NCR

Isang sabado, Setyembre 26, 2009, libo-libong mga tao ang


nakaranas ng pagbaha dahil sa Bagyong Ondoy. Ang ilan sa
mga lalawigan kasama na ang Metro Manila ay labis na
nakaranas ng pagbaha. Ang mga mabababang lugar ang may
pinakamaraming nasawi dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig sa
mga lugar na ito. Pati mga karatig rehiyon ng III at IV-Calabarzon
ay napinsala din ng bagyo. Maraming motorista ang naantala sa
kalsada at mahigit sa 2,000 pasahero ang hindi nakauwi ng
maaga sa kanilang mga tahanan. Ayon sa National Disaster
Coordinating Council o NDCC maraming residente sa Provident
Village sa Lungsod ng Marikina ang humingi ng tulong upang sila
ay mailikas dahil sa umabot na sa ikalawang palapag ng
kanilang tahanan ang baha.
Ang Panganib Dulot ng Lokasyon at Topograpiya
Kung susuriin ang Lungsod ng Marikina ay
isang lambak. Ito ay napapalibutan ng mga
matataas na lugar katulad ng lungsod ng Quezon
sa kanluran ng lalawigan, mga lalawigan ng Rizal sa
hilaga at silangan. Gayundin naman ang Lungsod
ng Maynila kung saan ang malalaking bahagi ay
nakatungtong sa tabi ng look. Mababa ang lugar sa
Maynila kagaya ng Marikina at sapagkat ito ay
daanan ng maraming bagyo, mabilis ang pagtaas
ng tubig sa malaking bahagi nito. Hindi lang bagyo ang
natural na panganib sa ating rehiyon.
Ang buong bansa ay nakatutungtong sa tinatawag na
“Pacific Ring of Fire” kung saan maraming lugar ang may
aktibong bulkan at pagalaw ng mga kontinente. Ang dulot
nito ay ang karaniwang nararanasan nating lindol sa iba’t
ibang lugar ng bansa. Anong paghahanda ang dapat gawin
sa mga panahon nang bagyo? Bagaman hindi malaman
kung kalian magkakaroon ng lindol, ano ang paghahanda
ang maaring gawin kapag nagyari na nga ang lindol?
Gawain ng Tao at ang Panganib Dulot ng
Lokasyon at Topograpiya
Sa panahon ng pananalanta ng Bagyong Ondoy
naipakita ng mga mamamayan ang pagtutulungan at
pagdadamayan sa panahon ng kalamidad. Maraming
mamamayan ang tumulong upang ilikas ang mga
nasalantang kababayan. May mga nagbigay din ng mga
donasyon upang maiabot ang kanilang tulong at
pagpapahalaga sa apektadong residente.
Tandaan
May mga lugar na sensitibo sa panganib na
batay sa lokasyon at topograpiya ng ating
lalawigan o rehiyon tulad ng lindol, pagguho
ng lupa, bagyo at pagbaha. Ang mga
kalamidad ay nararanasan ng bawat lugar ay
may kaugnayan sa lokasyon at topograpiya
nito. Mahalagang malaman ang mga ito upang
tayo ay makapaghanda sa mga kalamidad.