You are on page 1of 18

Ang mga kantahing-bayan ay tuloy-tinig

(survival) ng kalinangan sa pamamagitan


ng saling-dila. Sa kabuuan, ang mga
kantahing- bayan noong panahon ng pre-
kolonyal ay mga katutubong awitin ng
ating bansa tulad ng mga sumusunod :

 soliranin = awit ng mga mangingisda


 talindaw = awit ng mga bangkero
 diona = awit sa mga ikinakasal
 oyayi = awit pampatulog sa mga
bata
 kumintang= awit sa digmaan
 dalit = awit sa simbahan
 sambotani = awit sa tagumpay sa
pakikidigma
 kundiman = awit ng pag-ibig

Ito ay nagpapakilala ng iba’t ibang


pamumuhay at pag-uugali ng mga
tao, mga kaisipan at damdamin ng
bayan . Ito’y kasasalaminan ng
kalinangan ng lahi.
1. Ang mga kantahing-bayan ay nagpapakilala
ng diwang makata.
2. Ang mga kantahing-bayan natin ay
nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng
lahing Pilipino.
3. Ang mga kantahing-bayan ay mga bunga ng
bulaklak ng matulaing damdaming galing sa
puso at kaluluwang bayan.
Karunungang
- bayan
Ang mga unang tula ng mga Pilipino ay
mga karunungang-bayan na binubuo ng mga
sumusunod:

 Salawikain (proverbs, maxims, epigrams= Ito


ay mga butil ng karunungang hango sa
karanasan ng matatanda, nagbibigay ng
mabubuting payo tungkol sa kagandahang-
asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga
kaugalian at karaniwang patalinhaga.
1. Sa paghahangad ng kagitna
isang salop ang nawala.
2. Kung hindi ukol
ay hindi bubukol.
3. Utos na sa pusa,
utos pa sa daga.
4. Ang maniwala sa sabi-sabi
ay walang bait sa sarili.
5. May tainga ang lupa,
may pakpak ang balita.
 Sawikain ay isang idyoma o uri ng pagpapahayag
na kusang nalilinang at nabuo sa ating wika. Sa
ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan,
pagsasalita at pagsusulat, gumagamit tayo nito.
Katulad ng salawikain, may ibang kahulugan ito
bukod sa literal.

 Halimbawa:
anak – pawis bukambibig itaga sa bato

naumid ang dila maningalang – pugad

mahaba ang kamay basag-ulo


 Kawikaan Katulad ng salawikain at sawikain, may
ibang kahulugan ito bukod sa literal. Ang
pagkakaiba nga lang ang mga ito ay tumutukoy sa
kagandahang asal o mga pagpapahalagang banal.

Halimbawa:
Ang panahon ay samantalahin sapagkat ginto ang
kahambing.

Gawin mo sa iyong kapwa ang nais mong gawin din


nila sa iyo.

Kapag binato ka ng tinapay ay kabutihan ang isukli


mo.
 Palaisipan = Ito ay nakapupukaw at nakahahasa
ng isipan ng tao, katulad ng bugtong, ito ay
nangangailangan ng talas ng isip.

 May isang prinsesa, sa tore


 ay nakatira, balita sa kaharian siya’y may
pambihirang ganda.
 Bawal tumingala upang siya’y makita.

 Ano ang gagawin upang ang binatang


sumisinta’y makita ang dalagang ubod ng ganda?
Bugtong = bugtong ay isang uri ng
panitikan na kawili-wili. Ito ay paraan ng
pagpapalawak ng talasalitaan at
pagsasanay sa mabilis na pag-iisip na
pasalin-salin sa bibig ng mga tao.

Ang bugtong ay ginagawa sa mga pagtitipon


tulad ng lamayan ng patay, paggigiik ng palay,
tulungan tulad ng pagbubuhat ng bahay o
BAYANIHAN at paghahasik ng punla. Ito ay may
tugma at talinhaga at kapupulutan ng
mahahalagang butil ng karunungan.
Isang balong malalim,
punong-puno ng
patalim.
(Dito nagmumula ang iyong
sinasabi)

BIBIG
Wala sa langit, wala
sa lupa, kung
lumakad ay patihaya
( isang sasakyan ito sa tubig)

BANGKA
Nagsaing si Insiong,
sa ilalim ng gatong.
(Kinakain ito, lalong masarap
kung may tsaa)

BIBINGKA
Wala na ang tiyan,
malakas pa ang
sigaw.
(pinatutugtog ito sa simbahan tuwing
umaga)

KAMPANA
Bituing buto’t balat,
kung pasko lamang
kumikislap.
( isinasabit ito tuwing pasko o di
kaya ay kung malapit na ang
pasko)

PAROL
 Kasabihan = ang mga kasabihan ay maiigsing pahayag ng
mga pangkalahatang katotohanan, mga batayang tuntunin, o
mga alitununin ng kaasalan . Ito ay maaaring patula o
tuluyan, may himig pagbibiro o panunukso sa unang
panahon. Ito ay maitutumbas natin sa “Mother Goose
Rhymes”.
Mga Halimbawa :
1. Putak, putak, 2. Tiririt ng maya,
Batang duwag! Tiririt ng ibon,
Matapang ka’t Ibig mag-asawa’y
Nasa pugad! Walang ipalamon.
3. Bata, bata 4. Tiririrt ng ibon,
Pantay-lupa Tiririt ng maya,
Asawa ng Palaka! Kaya lingon nang lingon
Hanap ay asawa.
 Bulong = ito ay isang matandang katawagan
sa orasyon noong sinaunang tao sa kapuluan
ng Pilipinas, anyong padasal.
 HALIMBAWA
 Dagang maliit, dagang maliit,
 Ayto ang ngipin kong sira na’t pangit,
 Sana ay bigyan mo ng kapalit.

 Huwag magagalit kaibigan,


 Aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-
utusan

You might also like