You are on page 1of 32

3

DOKUMENTARYONG
PAMPELIKULA
PELIKULA

Kilala bilang sine at pinilakang tabing.


Isa itong larangan na sinasakop ang
mga gumagalaw na larawan bilang
isang anyo ng sining o bilang bahagi ng
industriya ng libangan.
DOKUMENTARYO

Tungkol sa katotohanan o realidad na


pangyayari sa buhay at sa lipunan.
Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan at
korapsyon, problema sa edukasyon at
suliraning pang-ekonomiya at sa mga
katiwalian.
ELEMENTO NG
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA
(1) Sequence iskrip
Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari ng kuwento sa
pelikula. Dito makikita ang layunin ng
kuwento.
(2) Sinematograpiya
Paraan ng pagkuha ng wastong
anggulo upang maipakita sa mga
manonood ang pangyayari sa bisa ng
ilaw at lente ng kamera.
(3) Tunog at musika
Pagpapalutang ng bawat tagpo at
pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at
linya ng mga dayalogo. Pinupukaw ang
interes at damdamin ng mga
manonood.
(4) Pananaliksik o riserts
Mahalagang sangkap sa pagbuo at
paglikha ng dokumentaryo dahil sa
pamamagitan nito ay naihaharap nang
mahusay at makatotohanan ang mga
detalye ng palabas.
(5) Disenyong Pamproduksiyon
Nagpapanatili sa kaangkupan ng
lugar, eksena, pananamit at sitwasyon
para sa masining na paglalahad ng
biswal ng kuwento.
(6) Pagdidirehe
Mga pamamaraan at diskarte ng
director sa pagpapatakbo ng kuwento
sa pelikula.
(7) Pag-eedit
Ito ay pagpuputol, pagdurugtong-
dugtong muli ng mga tagpo upang
tayain kung alin ang hindi na nararapat
isama ngunit di makaaapekto sa
kabuuan ng istorya ng pelikula.
MGA KARANIWANG URI NG ANGGULO
O KUHA NG KAMERA
(1) Establishing/ Long Shot
tinatawag ring “scene
setting”. Mula sa malayo ay
kinukuhanan ang buong senaryo
o lugar upang bigyan ng ideya
ang manonood sa magiging
takbo ng buong pelikula o
dokumentaryo.
(2) Medium Shot
Kuha ng kamera mula
tuhod paitaas o mula
baywang paitaas.
Karaniwan ito sa mga
senaryong may dayalogo o
sa pagitan ng dalawang
taong nag-uusap o sa isang
paaksyong detalye.
(3) Close-up Shot
Ang pokus ay
nasa isang partikular
na bagay lamang.
Hindi binibigyang-
diin ang nasa
paligid.
(4) Extreme Close-up
Ang pinakamataas na
lebel ng “close-up shot”.
Ang pinakapokus ay isang
detalye lamang mula sa
close-up. Halimbawa ang
pokus ng mata ay nasa
mata lamang sa halip na sa
buong mukha.
(5) High Angle Shot

Ang kamera ay
nasa bahaging itaas,
kaya ang anggulo o
pokus ay nagmumula
sa mataas na bahagi
tungo sa ilalim.
(6) Low Angle Shot

Ang kamera ay
nasa bahaging ibaba,
kaya ang anggulo o
pokus ay nagmumula
sa ibabang bahagi
tungo sa itaas.
(7) Birds Eye View
Isang “aerial shot”
na anggulo na
nagmumula sa
napakataas na bahagi
at ang tingin ay nasa
ibabang bahagi.
(8) Panning Shot

Isang mabilis na
pagkuha ng anggulo
ng isang kamera
upang masundan ang
detalyeng kinukunan.
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA

LARAWAN KO,
HULAAN MO!
Panuto: Suriin ang bawat larawan.
Tukuyin kung anong uri ng anggulo o
kuha ng kamera ang ipinapakita sa
bawat larawan. Bawat larawan ay
may katumbas na 2 puntos.
Panning Shot
Bird’s Eye View
Low Angle Shot
High Angle Shot
Extreme Close-Up
Close-Up
Medium Shot
Long shot

You might also like