You are on page 1of 20

MGA KASANAYAN SA

MAPANURING PAGBASA
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

LAYUNIN
• Maunawaan ang dapat gawin bago,
habang at pagkatapos magbasa

• Makilala ang pagkakaiba ng Opinyon


at Katotohanan

• Matukoy ang Layunin, Pananaw, at


Damdamin ng Teksto
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

LAYUNIN
• Maisa-isa ang paraan ng pagsulat ng
Paraphrase, Abstrak, at Rebyu

• Bago, Habang at Pagkatapos


Magbasa

• Pagkilala sa Opinyon at Katotohanan


MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

LAYUNIN
• Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at
Damdamin ng Teksto

• Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak, at


Rebyu
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

BAGO HABANG PAGKATAPOS


MAGBASA NAGBABASA MAGBASA

• Pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa
batay sa uri at genre ng teksto o kung kinakailangan ba ito ayon sa itinakdang layunin ng pagbasa.

• Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang


pagtingin sa mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng aklat.

• Sa bahaging ito, iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang kaalaman upang
lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang babasahin. Nakabubuo ng mga tanong at matalinong
prediksyon kung tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat.
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

BAGO HABANG PAGKATAPOS


MAGBASA NAGBABASA MAGBASA

• Nakapaloob sa bahaging ito ang: 1) Pagtantiya sa bilis ng pagbasa; 2) Biswalisasyon ng


binabasa; 3) Pagbuo ng koneksiyon; 4) Paghihinuha; 5) Pagsubaybay sa komprehensiyon; 6)
Muling pagbasa; 7) Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto.
• Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng impormasyon sa matagalang memorya
sa pamamagitan ng elaborasyon, organisasyon, at pagbuo ng mga biswal na imahen. Ang
elaborasyon ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyong natutuhan
mula sa teksto. Ang organisasyon ay pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba’t ibang bahagi ng
impormasyon na nakuha sa teksto habang ang pagbuo ng biswal na imahen ay paglikha ng mga
imahen at larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa.
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

BAGO HABANG PAGKATAPOS


MAGBASA NAGBABASA MAGBASA

• Nakapaloob sa bahaging ito ang:


• PAGTATASA NG KOMPREHENSIYON. Sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa binasa upang
matasa ang kabuuang komprehensiyon o pag-unawa sa binasa.
• PAGBUBUOD. Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat ang pangunahing
ideya at detalye sa binasa.
• PAGBUO NG SINTESIS. Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit bukod sa pagpapaikli ng
teksto, ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng
manunulat batay sa kaniyang pag-unawa.
• EBALWASYON. Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga
impormasyong nabasa sa teksto.
PAGKILALA SA OPINYON AT
KATOTOHANAN
KATOTOHANAN OPINYON
Ang katotohanan ay mga pahayag Ang opinyon naman ay mga pahayag
na maaaring mapatunayan o na nagpapakita ng preperensiya o
mapasubalian sa pamamagitan ideya batay sa personal na
ng empirikal na karanasan, paniniwala at iniisip ng isang tao.
pananaliksik, o pangkalahatang Maaaring kakitaan ito ng mga
panandang diskurso tulad ng “sa
kaalaman o impormasyon.
opinyon ko,” “para sa akin,”
“gusto ko,” o sa “tingin ko.”
PAANO NATIN MATUTUKOY
KUNG ANO ANG
KATOTOHANAN AT ANO
NAMAN OPNINYON?
BILANG ISANG MAG-AARAL,
ANO-ANO ANG MGA PARAAN
NA DAPAT MONG GAWIN
UPANG MASURI KUNG
TOTOO ANG IYONG
BINABASA?
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

PAGTUKOY KUNG OPNINYON O


KATOTOHANAN.

• Si Pangulong Rodrigo Duterte ang kasalukuyang


pangulo ng Republika ng Pilipinas

• Para sa akin, si Pangulong Benigno Aquino III lamang


ang kaisa-isang pangulong sumugpo sa korapsyon sa
gobyerno ng Pilipinas.
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

PAGTUKOY KUNG OPNINYON O


KATOTOHANAN.

• Sa tingin ko tunay na may kinalaman sa isyu ng


ipinagbabawal na gamot si Senador Leila de Lima.

• Napakahusay ng pagganap ni Daniel Padilla sa


pelikulang Barcelona: A Love Untold.
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

PAGTUKOY KUNG OPNINYON O


KATOTOHANAN.

• Ang Supreme Court ang pinakamataas ng hukuman


sa Judiciary System ng Pilipinas.

• Ayon sa pag-aaral ng mga doktor, ang ating


katawan ang binubuo ng 66% na tubig.
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT


DAMDAMIN NG TEKSTO
• Ang layunin ay tumutukoy sa nais iparating at motibo
LAYUNIN ng manunulat sa teksto. Mahihinuha ito sa
pamamagitan ng uri ng diskursong ginamit sa
pagpapahayag.

• Halimbawa, naglalarawan ba ito o kaya ay


PANANAW nagkukuwento lang ng isang tiyak na karanasan o
sitwasyon? Maaari ring nangangatuwiran ito o kaya
naman ay hinihikayat ang mambabasa na pumanig sa
opinyon o paninindigan niya.
DAMDAMIN
• Sa layunin, tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing
tanong ng akda na nais solusyonan ng may-akda.
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT


DAMDAMIN NG TEKSTO
• Ang pananaw naman ay ang pagtukoy kung ano ang
LAYUNIN preperensiya ng manunulat sa teksto. Ibig sabihin,
natutukoy rito kung ano ang distansiya niya sa tiyak na
paksang tinatalakay. Nasa unang panauhan ba ito na
maaaring magpakita na personal ang perspektiba niya
PANANAW sa paglalahad, o kaya naman ay nasa ikatlong
panauhan na nagbibigay ng obhetibong pananaw at
paglalahad sa paksa?

DAMDAMIN • Mula sa mahusay na pagtukoy ng pananaw, nahihinuha


rin ng mambabasa kung ano ang kahihinatnan ng isang
teksto.
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT


DAMDAMIN NG TEKSTO
• Ang damdamin naman ay ang ipinahihiwatig na
LAYUNIN pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaaring
nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo, o
kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan
tungkol sa isang pangyayari o paksa.
PANANAW
• Dahil sa damdamin na ipinahahayag ng teksto, hindi
naiiwasan na ito rin ang nagiging pakiramdam ng
mambabasa sa pagbasa nito. Sa katapusan ng
DAMDAMIN pagbasa, maaari ding tasahin ng isang mambabasa
kung nagtagumpay ba ang manunulat na iparamdam
ang layunin ng teksto.
PAGSULAT NG PARAPHRASE,
ABSTRAK, AT REBYU
• Ang paraphrase ay tumutukoy sa muling
PARAPHRASE pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa
ibang pamamaraan at pananalita upang
padaliin at palinawin ito para sa
mambabasa.
ABSTRAK
• Mahalaga ang paraphrase sa pananaliksik
upang tukuyin ang pinagmulan ng isang
REBYU ideya o kaisipan at ipahayag ito sa
pamamaraan na makatutulong sa
pananaliksik.
PAGSULAT NG PARAPHRASE,
ABSTRAK, AT REBYU
• Ang abstrak naman ay isang buod ng
PARAPHRASE pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang
komperensiya o anomang pag-aaral sa
isang tiyak na disiplina o larangan.

ABSTRAK • Ang abstrak ay nakatutulong upang mabilis


na makita ng isang mambabasa ang
kabuuang latag ng pananaliksik kabilang
REBYU ang mga layunin at kinalabasan nito. Sa
ilang publikasyon, tinatawag din itong
precis o synopsis.
PAGSULAT NG PARAPHRASE,
ABSTRAK, AT REBYU

PARAPHRASE • Ang rebyu naman ay isang uri ng


pampanitikang kritisismo na ang layunin ay
suriin ang isang aklat batay sa nilalaman,
ABSTRAK estilo, at anyo ng pagkakasulat nito.

• Maaaring ang rebyu ay naglalaman ng


maikling buod ng aklat upang magkaroon
REBYU ng ideya ang mga mambabasa.
PAGSULAT NG PARAPHRASE,
ABSTRAK, AT REBYU

PARAPHRASE • Naglalaman din ang rebyu ng pagtataya o


ebalwasyon ng akda batay sa personal na
pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng
rebyu. Ang mga nagsusulat ng rebyu sa
ABSTRAK mga pahayagan o online portal ay
gumagamit ng panunuri upang
magpalaganap ng sariling kaalaman na
REBYU sumusuporta o kaya ay nagpapasubali sa
nilalaman ng aklat.

You might also like