Kontrolado – Ito’y hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano itong mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta. Empirikal – Lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong hiptesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat. Pagsusuri – Ito’y masusing pag- aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo. Kwantitatibo – nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang Kwalitatibo – tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuro-kuro Obhetibo, walang kinikilingan at lohikal – Ang anumang resulta sa pag-aaral ay may sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik. Ginagamitan ng hipotesis – Ipinakikilala ng hipotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa simula pa lamang ng pag-aaral. Ayon kay Gay, ang hipotesis ay pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganapna o magaganap pa lamang. Ang hipotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag-aaral. Mananaliksik – may mga tungkulin at responsibilidad na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay sa gagawing pananaliksik. Masigasig – Kung hindi masigasig ang isang mananaliksik sa paghahanap ng tamang impormasyon, maaaring mahilaw ang pagtalakay sa gagawing pananaliksik. Masinop – Sikaping maging maayos at organisado ang pagtatala ng mga impormasyon. Masistema – Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng manunulat kung nakaprograma ang lahat ng gagawin niya sa oananaliksik. Mapamaraan – Kailangang marunong dumiskarte sa sarili ang mananaliksik. Magaling magsiyasat – Tinitimbang na mabuti kung nararaopat o di- nararapat isama. May pananagutan – Mahalagang isulat ang pangalan ng mga taong ito upang hindi maparatangan ng pangongopya lamang sa isinulat ng ibang tao. Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik. Ayon kay Atienza atbp., ang plagiarism ay: Tuwirang paggamit ng orihinal na termino o salita na hindi ginamitan ng bantas na panipi at hindi binanggit ang pinaghanguan Panghihiram ng mga ideya o pangungusap at pinalitan lamang ang pagkakapahayag ngunit hindi kinilala ang pinaghanguan Pamumulot ng mga ideya mula sa iba’t ibang mananaliksik at pinagsama-sama lamang ang mga ito subalit hindi itinala ang pinaghanguang datos Pagsasalin ng mga termino na nasa ibang wika na inangkin at hindi itinala na salin ang mga ito Pagnanakaw ng bahagi ng isang disenyo, banghay, himig nang hindi kinikilala ang pinagbabatayan ng ibang mananaliksik subalit inangkin na siya ang naghagilap ng mmga datos na ito Humingi ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin sa pananaliksik. Isulat ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathala ng tekstong pinaghanguan ng ideya o mga impormasyon. Gumawa ng bibliyograpiya sa mga ginamit na sanggunian. Sikaping maging matapat sa paglalahad ng resulta. Sundin ang prosesong inaprubahan ng tagapayo sa paggawa ng pananaliksik.