You are on page 1of 25

IBONG ADARNA

MGA ELEMENTO NG TULA


SUKAT- Tumutukoy sa bilang ng
pantig sa bawat taudtod ng
tula.Kailangang konsistent ang
bilang ng pantig sa kabuuan ng
tula.
TUGMA- May dalawang uri ng tugmaan sa
tula. Tinatawag itong tugmaang ganap at
di-ganap. Sa tugmaang ganap, karaniwan
itong nagtatapos sa patinig o sa impit na
tunog kaya masasabing may ganap na
pagtutugmaan ang mga dulong salita sa
bawat saknong. Sa tugmaang di-ganap,
karaniwang nagtatapos sa katinig ang
mga dulong salita bagamat iisa ang uri ng
patinig sa loob ng pantig pero nagkakaiba
ng katinig ang huling letra. Hamlimbawa
nito ang tulang binasa na gumagamit ng
tugmaang di-ganap.
PERSONA- Tumutukoy ito sa
nagsasalita sa tula na
maaring ang makata mismo
o kaya ay ibang tao. Maari
ding ang persona ay lalaki,
babae, bata, matanda at
bagay na binibigyang-buhay
ng makata.
TALINGHAGA- Gumagamit ng
malalim na salita ang makata sa
pahabi ng tula. Ginagamit dito ng
makata ang iba’t ibang uri ng
tayutay.
MATALINGHAGANG PAHAYAG
IDYOMA
PAGSUSULIT
IDYOMA AT TAYUTAY
Ibigay ang kahulugan ng mga
sumusunod na Idyoma at Tayutay.
__________1. Nagbibilang ng post
__________2. Pusong bakal
__________3. Nakapamburol
__________4. Gulong ng palad
__________5. Sa puso ay nakalimbag
__________6. Bukas ang palad
__________7. Mabigat ang loob
__________8. Kalamayin ang loob
__________9. Kalam ng Tiyan
__________10. Nakapako ang tingin
Punan ng angkop na katagang pang-abay ang patlang
upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Pumili ng
sagot sa ibaba.
muna pala daw kasi ba man na
11. Nakuha mo _______ ang pinabibigay kong
kagamitan?
12. Alam _______ ng nanay niya ang ginawa niyang
kalokohan.
13. Kumain _______ sila bago umalis.
14. Sarado na _______ ang McDonalds nang pumunta
ako.
15. Hindi _______ ako nakapasok ng ilang araw, nakapasa
pa rin ako sa exam.
16. Madali lang _______ ang pagsusulit sabi ni Bb.
Bauyon.
Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang
mga sumusunod na pahayag.
17. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag
nakagalitan. (PAGWAWANGIS, PAGTUTULAD)
18. Matigas na baka ang kamao ng boksingero.
(PAGWAWANGIS, PAGTUTULAD)
19. Napakaganda niya pag nakatalikod.
(EKSAHERASYON, PAG-UYAM)
20. Bumaha ng dugo sa lansangan.
(EKSAHERASYON, PAG-UYAM)
21. O tukso! Layuan mo ako.
(PAGTAWAG, PAGMAMALABIS)
22. Tila porselana ang kutis ni Celia.
(PAGTUTULAD, PAGMAMALABIS)
23. Tik-tak ng orasan ay naghahabulan
(PAGHIHIMIG,PAGSASATAO)
24. Maganda ang boses niya…kasin-ganda ng
kokak ng palaka.
(EKSAHERASYON, PAG-UYAM)

You might also like