You are on page 1of 17

Paggunita at Pagpapahalaga sa

Katutubong Panitikan

FILIPINO 8
 Naniniwala ka ba na ang
kasaysayan at panitikan ay
magkaugnay? Sa iyong palagay,
bakit kailangang unawain ang mga
akdang pampanitikan na umusbong
sa panahong naisulat ito? Paano
mapananatili at mapauunlad ang
panitikang minana pa sa ating mga
ninuno ng kasalukuyang panahon?
 Isang iskolar ang nagsabing
makikilala lamang niyang ganap
ang kaniyang sarili dahil sa
kaniyang lumipas. Kung gayon,
masasabi nating makatutulong para
sa atin na makilala ang ating lahing
pinagmulan sa pamamagitan ng
pagbabalik-tanaw sa ating
panitikan na malinaw na salamin ng
ating kultura at kabihasnan .
 Sa panitikan nasasalamin ang mga
layunin, damdamin, panaginip,
pagasa,hinaing, buhay, at hangarin ng
mga Pilipino. Samakatuwid, panitikan
ang nagsisilbing tulay upang maabot
ng nakalipas ang
kasalukuyan,gayundin upang
maipagpatuloy ng kasalukuyan ang
pagpapanatili at pagunlad ng kultura at
kabihasnan upang maisalin ito nang
ganap sa susunod na henerasyon.
Panitikan ng mga Ninuno:
 Bago pa man dumating ang mga Kastila’y may
sarili nang kalinangan ang Pilipinas. Mayroon nang
sariling pamahalaan (sa kaniyang barangay), may
sariling batas, pananampalataya, sining, panitikan
at wika. Ang bagay na ito’y pinatutunayan ng mga
mananalasysay na kastilang nakarating sa
kapuluan. Isa na sa nagpatunay sa kalinangan ng
Pilipinas si Padre Perdro Chirino sa
kaniyang Relacion de las Islas Filipinas (1604).
Sinabi niyang may sariling wika sa Pilipinas at ang
mga naninirahan dito’y may sistema ng pagsulat
na tinatawag na alibata.
 Sang-ayon din kay Padre Chirino, ang
paraanng pagsulat ng mga katutubo’y
patindig, buhat sa itaas pababa at ang
pagkakasunod- sunod ng mga talata ay buhat
sa kaliwa, pakanan.
Ang ginagamit na pinakapapel noon ay ang
mga biyas ng kawayan, mga dahon ng
palaspas o balat ng punongkahoy at ang
pinakapanulat nila’y ang mga dulo ng
matutulis na bakal o iyong tinatawag sa
ngayong lanseta. Sa kasamaang palad, ang
mga katibayan ng kanilang pagsulat noo’y
hindi na matatagpuan sapagkat sinunog ng
mga mananakop na Kastila dahil ang mga
iyon daw ay gawa ng mga diyablo.
 Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang
Pilipinas. Ito ang kabang- yaman ng ating
panitikan. Dito nasasalamin ang naging
buhay ng ating mga ninuno.

Ang panahon ng kuwentong bayan ay


kinabibilangan ng mga
 (a) kuwentong- bayan,
 (b) kantahing- bayan
 (c)karunungang bayan,
 at isinasama rin dito ang
 (d)bulong.
Panitikan ng Espanyol/Kastila
 Layunin daw ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng
Relihiyong Katolika Apostolika Romano sa kanilang
pangingibang- pook kaya unang ginanap ang misa at
ang pagbibinyag sa mga katutubo. Hindi gaanong
nabangiot na layunin din nilang mapalawak ang
kanilang sakop at mapalawak ang mapagbibilhan nila
ng kanilang mga produkto. Noong panahong iyon,
wari’y hinati ng mga Kastila at Portuges ang daigdig
upang kanilang magalugad at masakop. Napasama
sa maaaring puntahan ng mga Kastila ang Pilipinas
kaya sila ang nakapamayani rito. Isa pa sa dahilan
nila sa paggalugad sa ibang panig ng mundo’y ang
paghahanap ng mga sangkap na pampalasa (spices).
Panitikan ng Espanyol/Kastila
 Dahil sa layunin nila na
pagpapalaganap ng Kristiyanismo,
sinunog nila ang mga nakasulat na
panitikan ng mga katutubo sa dahilang
ang mga iyon daw ay likha ng demonyo.
Pinalaganap nila ang tungkol sa
pananampalataya nila. Nag-aral ang
mga prayle ng mga wika sa kapuluan at
sumulat sila ng mga gramtika at
diksiyunaryo.
Panitikan ng Espanyol/Kastila
 Ang kapuluan ay pinangalanang Pilipinas bilang
pagpaparangal kay Haring Felipe II ng Espanya.
Inihayag ito ni Villalobos. Nagkaroon ng pagbabago
sa pamamahala, pinalitan na ang dating mga
barangay at mang mga namumuno sa Pilipinas ay
isang Gobernador- Heneral na siyang kinatawan ng
Hari ng Espanya sa Pilipinas. Madalas magkaroon
ng pagbabago sa pamahalaan batay sa kung sino
ang namamahala sa Espanya. Samantalang ang
mga prayleng namumuno sa mga simbahan sa
kapuluan ay hindi napapalitan. Sa gayo’y umabuso
ang mga ito. Sila na ang nakapangyayari sa halip na
ang pamahalaan. Sila rin ang may hawak ng
edukasyon ng mga bata na nagsisimulang
magsipag- aral sa mga kumbento
Panitikan ng Espanyol/Kastila
 Isa sa mahalagang pagpapalit na nagawa ay
ang romanisasyon ng alibata. Mga titik na ang
ginamit ngunit mapapansin sa lumang mga
kasulatan na ang f ay siyang s at ang v ay
siyang w. Tulad ng santiffimo at tavo.

Ipinasok na rin ng mga Kastila ang kanilang


kalinangan, ang mga kasuotan, ang mga gawi,
at ang mga pagdadala ng mga bagay buhay sa
Espanya, isa na rito ang alpa, piano, espada,
libro atbp.
Panitikan ng Espanyol/Kastila
 Sa larangan ng panitikan, marami
silang mga ipinakilala sa mga
Pilipino at isa na rito ang korido.
Hindi lamang panitkan ang kanilang
itinuro sa kapuluan, nagturo rin sila
ng gramatika, ngunit ang pagtuturo
nila nito’y batay sa pook na
kanilang kinaroroonan. Ang mga
prayle ang naging guro.
Panahon ng Panitikang Panahon ng Awit at
Pasimba Korido
1.Dalit 1. Awit at Korido
(Metrical
Romance)
2. Nobena 2. Tula
3. Buhay ng mga 3. Dula at Dulaan
Santo’t santa
4. Akdang
Pangmagandang
asal
Panitikan ng Hapon
 Itinuturing ito ng marami na gintong panahon ng
maikling kuwento at ng dulang Tagalog. Ang wikang
Ingles nanakuhang maipasok ng mga Amerikano
hanggang sa kamalayan ng mga Pilipino ay
ipinagbawal gamitin ng mga Hapones kung kayat
ang nagtamasa ng bunga ng pagbabawal na ito ay
ang panitikang Pilipino sa wikang Tagalog. Ang
isang manunulat ay likas na manunulat, kayat nang
ipagbawal ang pasulat ng Ingles siya’y napilitang
gumamit ng wikang Tagalog upang makapagsulat
lamang. Ang isang naging bunga nito ay ang
paglitaw ng isang uri ng pamamaraan sa
pagsusulat na gagad sa Ingles, maging sa pagbuo
ng mga pangungusap hanggang sa istilo ng
pagsusulat.
Panitikan ng Hapon
Nabigyang- sigla ang Pambansang Wika dahil na rin sa
pagtataguyod ng pananakop. Binigyan pa nila ng
pagkakataon ang isang Pilipino, si Jose P Laurel
upang mangulo sa baying sa kanilang
pamamatnubay. Nasangkot ang Pilipinas. Nasakop ng
mga Hapones.

 Mailkling Katha

Itinuturing na pinakamaunlas ang sangay ng


mailkling kuwento sa lahat ng sangay ng pantikan sa
panahong ito. Sa pamamahala ng Surian ng Wikang
Pambansa, pinili ang itinuturing na pinakamahusay na
maikling kuwento sa panahong ito.
Panitikan ng Hapon
Ang Tula

Namalasak ang haiku noong panahong iyon.


Ang Haiku ay isang uri ng tula na binubuo ng
labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod.
Ang unang taludtod ay may limang pantig; ang
ikalawa’y may pitong pantig; ang ikatlo ay may limang
pantig (5-7-5). Kahit na napakaikli ng haiku, ito’y
dapat na may masaklaw na kahulugan , matayog na
kaisipan, matiim na damdamin at di mapasusubaliang
kariktan.
Bunuhay naman ng makatang Ildefonso Santos
ang tulang tanaga. Ito’y maikli ring katulad ng haiku
ngunit ito’y may sukat at tugma at ang bawat taludtod
ay may pitong pantig.
Panitikan ng Hapon
Ang Dula
Bunga ng kahirapang ng buhay dulot ng digmaan.
Ang mga tao’y humanap ng kahit na kaunting
mapaglilibangan sa mga dulaan. Natigil ang
pagsasapelikula dahil sa giyera at ang mga artista ng
puting tabing ay lumipat sa pagtatanghal sa mga dulaan.
Ang malalak’t maliliit na teatro tuloy ay nagsipaglabas ng
dula.
Nobela
Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones,
masasabing lalong hindi namulaklak ang pagsulat ng
nobela. Dahilan ito sa kahirapan ng buhay at halos walang
magamit na papel ang mga manlilimbag.

You might also like