You are on page 1of 26

Pagrerebyu ng

Kaugnay na
Literatura
Inihanda nina:
Jane Bryl Hembra-Montialbucio
Christine Mae Tambolero
Mag-aaral, M.A. Ed Filipino
Ano ang tinatawag nating
Pagrerebyu ng Kaugnay na
Literatura?
Pagrerebyu ng Kaugnay na Literatura
- ito ay ang pagbabasa mo ng maraming
literatura tungkol sa iyong paksa. Nagsasarbey ka ng
mga kaugnay na literatura upang malaman mo ang
mga teoriya na kung saan ang teorya ay may
malaking tipak ng impormasyon na kaugnay ng
iyong paksa.
Ano ang mga Layunin ng
Pagrerebyu ng Kaugnay na
Literatura?
a. Ito ay nagbibigay ng balangkas na konseptwal o
teoretikal ng pinaplanong pananaliksik.

b. Ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga


dating pananaliksik na may kaugnayan sa layunin ng
iyong pag-aaral.

c. Nagbibigay ito ng kumpiyansa sapagkat sa


pamamagitan ng pagsisiyasat o pagsusuri ng kaugnay na
literatura malalaman mo ang lahat ng constructs na
kaugnay ng iyong pag-aaral.
d. Nagbibigay ito sa iyo ng impormasyon tungkol sa
mga pamamaraan ng pananaliksik na ginamit, ang
populasyon at sampol na isinaalang-alang, ang mga
instrumentong ginamit sa pagtitipon ng mga datos at
mga pagsusuring istatistikal na ginamit o inilipat sa
naunang pananaliksik.

e. Ito ay nagbibigay ng mga resulta at mga kongklusyon


ng mga nakaraang imbestigasyon na maaaring may
relasyon sa iyong mga natuklasan at kongklusyon.
Mga Katangian Na Dapat
Taglayin Ng Kaugnay Na
Literatura At Pag-aaral
1. Dapat na maging pinakabago ang mga
materyales dahilan sa pagkakaroon ng
napakabilis na pagbabagong sosyal, teknikal
at teknolohikal.
2. Dapat na makalayunin at iwasan ang mga
materyales na may pagkiling.
3. Dapat na may kaugnayan at kahulugan para
sa paksa ng pag-aaral.

4. Dapat na maging sapat ang bilang ng mga


materyales upang magkaroon ng malawak na
kaisipan na makapagtuturo ng kasalukuyang
pagsisiyasat.
Mga Paraan Ng Paglalahad Ng
Materyales
1. Ang mga ideya at simulain, kahit na magkapareho
ang kahulugan ay magkahiwalay na ipinaliliwanag.

2. Kung magkaibang manunulat ang magkatulad ang


opinyon tungkol sa isang paksa, tinatalakay ito at
inilalahad sa pangalan ng may-akda.
3. Ang mga materyales ay nakaayos na
pakronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod
ng panahon ng pagkakasulat.
Paano Isinasagawa ang
Pagrerebyu ng mga Kaugnay
na Panitikan/Literatura?
a. Matapos mong mapili ang suliranin para sa iyong pag-
aaral, ang iyong sarbey ng literatura ay magiging mas tiyak
at mapag-iisipang mabuti. Ang iyong unang hakbang ay
magbasa ng aklat kahit sa iyo lamang pribadong aklatan.
b. Pumunta sa aklatan. Magbasa-basa ng mga aklat, magasin,
dyornal, peryodikal o pahayagan, ensayklopedya o tesis
para sa posibleng literatura. Maging matiyaga sa pagbabasa
ng mga materyal na ito.
c. Ito’y hindi magagawa sa isang upuan lamang. Babalik ka
sa aklatan nang maraming ulit.

d. Ang lahat ng iyong mga tala ay kinakailangang nakasulat


sa mga index card. Maglaan ng isang card para sa isang
awtor o source.
Ano ang Dalawang Uri ng
Kaugnay na Literatura?
a. Literaturang Konseptwal (Conceptual Literature)
- ito ay tumutukoy sa mga artikulo o aklat na sinulat
ng mga awtoridad na nagbibigay ng opinion, karanasan,
teoriya o mga ideya kung ano ang mabuti at masama,
kanais-nais at di-kanais-nais na saklaw ng suliranin.
b. Panriserts na Literatura
- ito ay tumutukoy sa mga ulat ng tunay na pag-aaral
na ginawa ng ilang mananaliksik.
Halimbawa ng Kaugnay na Pag-aaral
Mula sa pag-aaral ni Ma. Lulubel C. Claro “Loa ng mga Ilonggo:
Pagtitipon at Pagsusuring
Sosyo-Kultural”
Nagsagawa si de Asis (1981) ng pagsasalin at pagsusuri ng
dalawampung piling tula ni Flavio Zaragosa Cano, ang prinsipe ng
makatang Ilonggo. Natukoy niya sa kanyang pag-aaral ang bias
ng tula sa buhay ng taong bayan, sa pambansang panitikan at
kalinangan. Layunin ng pag-aaral na maipakita ang pag-unlad ng
Paalala:
• Dapat na bigyang diin na tanging mga
mahahalagang kasipan, paglalahad, simulain o
kongklusyon lamang ng sinisiyasat na pag-aaral ang
tatalakayin sa kabanatang ito.
• Ang mga materyales ay maaaring sipiin kung
tamang-tama ang pagkakapahayag at hindi gaanong
napakahaba.
Maraming Salamat
sa inyong Pakikinig! 

You might also like