You are on page 1of 12

Unang Pangkat

Jarder, Chaellen Lim, Stephen Olabre, Aleli Cascon, Aldo Bustos, Fra

Masistemang balangkas
Kapag sinabing masistema, ang ibig pakahulugan nito ay may kaayusan o order.
Bawat wika kung ganoon ay may kaayusan o order ang istruktura. May dalawang masistemang balangkas ang wika: ang balangkas ng mga tunog at ang balangkas ng mga kahulugan. Ang wika ay may tiyak na dami ng mga tunog na pinagsasama-sama sa isang sistematikong paraan upang makabuo ng mga makahulugang yunit tulad ng mga salita. Gayundin, ang mga salita ay mapagsasamasama upang makabuo ng mga parirala at sugnay/ pangungusap.

Sinasalitang tunog
Maraming mga tunog sa paligid ang makahulugan ngunit hindi lahat ay maituturing na wika. Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa tulong ng ibatt ibang sangkap ng pagsasalita tulad ng dila, labi, babagtingang tinig, ngalangala at iba pa. Ang wika ay sinasalita samantalang ang pagsulat ay representasyon ng wika na gumagamit ng mga simbulo tulad ng mga letra.

Pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo


Ang kahulugan ng arbitraryo ay napagkasunduan. Ang bawat wika ay pinipili at isinasaayos sa paraang pinagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit nito. Ang mga tunog na binibigkas ay pinili at isinaayos para sa layunin ng mga gumagamit.

Ginagamit sa komunikasyon
Ang komunikasyon na galling sa salitang Latin na communis na ang ibig sabihin ay to work publicly with ay nagbibigkis sa mga tao para magkaisa. Ito ay nagsisilbing pandikit para ang mga mamamayan ay magsama-sama tungo sa pagkakaisa. Wika ang pangunahing behikulo sa komunikasyon ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. Ginagamit ang wika upang ipahayag ang pangangailangan, damdamin at ang iniisip sa pakikipag-ugnayan sa lahat ng pagkakataon.

Pantao
Malinaw ang sinabi ng Gleason na ang wika ay pantao lamang. Ibig bang sabihin nito na ang sangkainsektuhan at sangkahayupan ay hindi nakikipagkomunikasyon? Mali. Ang mga insekto at mga hayop ay nagpapahayag din ng kanilang mga nararamdaman. Ito ay sa pamamagitan ng kanilang mga pandama at instinct.

Nakaugnay sa kultura
Sa payak na pagpapakahulugan ang kultura ay paraan ng pamumuhay. Kung paanong ang isang pangkat ng mga tao sa isang partikular na lugar ay nag-iisip, dumarama, nagrereak sa ibat ibang mga pangyayari at penomenangnakapaloob sa realidad ng kanyang buhay. Ang wika at kultura ay dalawang bagay na hindi mapaghihiwalay. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaalaman at nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin at paniniwala ang mga tao.

Pangunahing katangian ng wika


May tatlo pang pangunahin at pandaigdigang katangian ng wika na wala sa kahulugang ibinigay ni Gleason. Ito ay ang natatangi, nagbabago at malikhain.

Natatangi
Ang bawat wika ay may kanyang sariling set ng mga tunog, mga yunit panggramatika at kanyang sistema ng palaugnayan. Ang bawat wika ay may katangiang pansarili na naiiba sa ibang wika.

Nagbabago
Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang pamumuhay ng tao ay nagbabago rin dulot ng agham at teknolohiya. At dahil ang wika at kultura ay may ugnayan pati wika ay nagbabago.

Malikhain
Taglay ng wika ang mga tuntunin na nakakabuo ng salita, parirala, sugnay at pangungusap. Ang katutubong nagsasalita ng wika ay may kakayahang lumikha ng mga bagong salita, parirala, sugnay at pangungusap na maaaring hindi pa nya kailanman nasasabi, nababasa o naririnig.

SALAMAT PO!

Reference: Komunikasyon sa Akademikong Filipino

You might also like